isang literal na gawain at isang pa aso-asong sagot para sa mga taong nag tatanong,
muli kong sasagutin ang mga nakaka buryong na tanong na iyan, dahil ako'y banas
na banas na at sa libo-libong chatter sa sa net world ang nag tatanong kung "hacker ka ba?"
unang-una ang pag hahack isang kademonyohan na gawain ng mga taong balaura gumamit ng internet,
pangalawa gngmt din ng ibang tao para ipagyabang na hacker o booter sila,
pangatlo pwede rin ntn sabihin na naglilibang ka lang at madaling gumawa ng panibagong account sa yahoo kapag nanghack ka..isipin mo rin kung yung taong yun ay karapatdapat na ihack
dahil minsan importante pa sa buhay nila ay yahoo mail nila o ang email add nila..
pwede kong sabhin na ang pag hahack ay isang bagay na pwede ko ihalintulad sa pagmumura.
alam mong masama at madaling gawin.pero minsan eto yung mga bagay na pag ginawa mo
alam mong makakabuti..isang beses pumasok ako sa isang yahoo chat room at dun ako umistambay ng tatlong oras, meron nag PM skn na nagngangalang "grace pujangko" nagkataon ininvite nia ako sa camera nia..pag silip ko isang batang babae na naka uniporme pa at kakauwi lang galing eskwela, tinanong ko siya, kung san siya nag aaral anong grado at san nakatira?
nasa cebu daw siya at pangkasalukuyang nasa grade 6..nainis ako dahil ang inisip ko sa edad niang yun at nasa chatroom at nagcacam ay hindi nakakabuti para sa kanya at sa pag aaral nia.
aminado akong pumasok sa isip ko na ihack ko ang batang iyon upang mapatalsik ko siya sa chatroom at mahirapan maka gawa ult ng bagong account dahil alam ko bagito pa siya sa mundo ng chat..tinanong ko siya alam ba ng magulang mo na mali yang ginagawa mo? sumagot siya..
patay na po ang tatay ko ksma ng kuya ko nalunod sila sa laot dahil mangingisda po sila dito sa cebu..nagulat ako!!tpos tinanong ko asan yung nanay mo?sabi nia, nasa manila po siya..siya ang ka chat ko ngayon dahil po matagal na kami nde nagkikita simula nung ipanganak niya ako..
halos mangiyak-ngiyak ako, naantig yung damdamin ko nung sbhn nia pa sakin na
"alam mo ba kung gano kasakit mawalay sa isang ina? at maiwan ng isang ama at kapatid?nag iisa nalang po ako ngayon ksma ng tita ko dito sa cebu.." nakakalungkot isipin na ung taong pinag isipan ko ng masama ay gabundok ang nararanasan na kalungkutan..
Dahil ako mismo nawalay sa ina ko ng sampung taon at alam ko kung gano kasakit yung nararamadan ng batang babaeng kausap ko..simula nung pangyayaring yun, sinabi ko sa kanya na pwede mo akong
tawaging kuya at kaibigan d2 sa chatroom natuwa naman ang bata at sabi nia "wag mo na akong aawayin kuya ah" sabi ko hindi na at simula ngayon ako pa mag tatanggol sayo..
natapos ang araw hanggan sa pag higa ko nasa icp ko yun.,at nasabi ko sa sarili ko na hindi ako HACKER at kung ano-ano pa man.. isa lng akong simpleng blogger dito sa networld..
No comments:
Post a Comment