Thursday, March 26, 2009

Bwisita!!

Sabado, ginising ako ng nanay ko ng umaga dahil daw may dadating kaming mga pilipinong bisita, at dito daw manananghalian ang sinasabi niang mga bisita..
maligo na daw ako at mag ayos,maglinis ng kwarto, at tulungan ko daw siya sa mga gagawin nia
sa kusina..Agad naman akong bumangon dahil alam kong walang ibang tutulong sa kanya.
pagkatapos ko gawin ang bilin nia, nag ihaw ako ng baboy,manok at spare ribs..at siya naman
busy magluto ng pancit at kung ano-anong gulay..

Doorbell:dingdong!!
nanay,bisita1,bisita2: sigawan!!

nung ipakilala ako ng nanay ko sa kanila, agad akong niyakap ng babaeng bisita nia at eto ang sabi..

bisita1:uiii, anak kmsta kana?
ako: mabuti po!!
bisita1:anong plano mo dito sa states?mag aaral ka ba?
ako:opo, plano ko pong mag working student, kse po sabi ni mama, kailangan ko daw mag trabaho para mabayaran ko yung mga gastusing gagamitin ko habang nag aaral at nag tatrabaho ako.
bisita1:anong kurso kukunin mo?
ako:PT po..blah!blah!blah!

hanggang sa dumiretso na kme sa hapag kaninan..hindi ko naman kinakausap yung bisita2 pero bigla nia akong binanatan ng ganitong salita.

bisita2 na ubod ng yabang!!:probinsyano ka noh?
ako:(agad nag pinting yung tenga ko pero binalewala ko) ay hindi ho! laking maynila ho ako!!
bisita2 na ubod ng yabang!!:ah kala ko kse laking probinsya ka..

hindi ko alam kung anu motibo nitong buwakanang inang to,naisip ko nalang, eto ung mga tipo ng pilipino dito sa amerika na nakatapak lng ng US akala mo naman kung sinong mag aasta!!
tinapos ko agad yung kinakain ko, agad akong tumayo at nag kulong sa kwarto ko.
gigil na gigil ako sa mayabang na ungas na to, gusto kong bastusin o hamunin ng suntukan tong hinayupak na toh!!

siguro hindi lang ako sanay dahil iba ang environment na kinalakihan ko, dahil ako'y barumbado at aangas-angas sa muntinlupa..isa na sigurong dahilan kung bakit malakas ang loob ko.
Dahil lumaki ako sa tabi ng tatay ko at buong protekta ng mga kapatid kong puro lalaki..

bandang huli natawa nalang ako, inisip ko nalang ung itsura niang manyakis na bigotilyo,na kasing laki ko lang at mukhang pinalaglag na ng nanay niya ay kumapit pa siya nung kapanahunang pinagbubuntis siya..

ang sabi ng nanay ko 2 years palang daw sila dito, natawa naman ako, dahil islang-slang magsalita itong si kupal..haayz mga pilipino talaga..simula nun pag may bisita ang nanay ko
nag kukulong nalang ako sa kwarto at hindi nako nakisalamuha sa kanila...

No comments:

Post a Comment