Monday, March 30, 2009

Slamdunk!

slumdog!!

KAGAGUHAN!!

Pagkatapos ko kumain ng meryenda nagpasya akong mamasyal sa park..
dala ko ang cellphone ko at ang aking bisikleta..
minsan din akong natuto maglaro ng basketball..
at syempre pinangarap ko rin abutin ang ring at makapag slamdunk!!
naalala ko pa noon yung mga kalaro ko sa basketball nung mga bata pa kmi
sa loob mismo ng bahay ng mga kalaro ko nagtatayo kmi ng ring at sa isang maliit na
bola napapasaya kami at dun nagsimula ang lahat..nakakalungkot lng at ako
lang ang hindi nakaka pag slumdunk sa tropahan namin..(kse ako ung pinaka maliit) =(
at eto ang napala ko sa kalokohan kong ito..
Lapnos na balat!!pero infairness ang sarap pala nang pakiramdam pag
naabot mo ang ring at nakapag dunk ka!! un nga lang nde ko madakot ung bola =) enjoy.....





things to do!!






Ito ang kalimitan bumubulaga sakin pag gising ko sa umaga..
ANG THINGS TO DO, na iniiwan ng nanay ko bago siya pumapasok sa trabaho niya..
ito rin ang dahilan kung bakit minsan sugat-sugat ang kamay ko
dahil mangilan-ngilan sa trabaho dito na dapat kong gawin ay hindi ako sanay..
madalas ko gwin ito pagkatapos ko kumain ng BRUNCH at pagkatapos ligpitin ang pinag kainan ko..

AT ang kwento sa napaka kontrobersyal na t-shirt na yan.
isang beses ngpnta ako sa pilipino store upang mag hulog ng balikbayan box
para sa mga pamilya namin sa pilipinas..
pagpasok ko sa tindahan na un, isang maliit ng resto na turo-turo style satin sa pinas, ang daming mga pilipino tska ang crowded ng place, at halos lahat sila
may kanya-kanyang kwento, syempre asahan mo na (payabangan)
kinausap namin ung may-ari ng store para ibigay at ihulog na ang box sa kanya..
pinuna nia ung t-shirt ko.." ui ang ganda ng t-shirt mo maka diyos.."
natawa naman ako dahil sinabi ko sa kanya na ito rin ung kadalasan nakikita mo
sa harapan ng jeep pag sumasakay ka db?"oo nga noh may air freshner pa"
hindi lang ako maka diyos proud pa ako na isa akong tunay na pilipino!! APIR!"

Thursday, March 26, 2009

Bwisita!!

Sabado, ginising ako ng nanay ko ng umaga dahil daw may dadating kaming mga pilipinong bisita, at dito daw manananghalian ang sinasabi niang mga bisita..
maligo na daw ako at mag ayos,maglinis ng kwarto, at tulungan ko daw siya sa mga gagawin nia
sa kusina..Agad naman akong bumangon dahil alam kong walang ibang tutulong sa kanya.
pagkatapos ko gawin ang bilin nia, nag ihaw ako ng baboy,manok at spare ribs..at siya naman
busy magluto ng pancit at kung ano-anong gulay..

Doorbell:dingdong!!
nanay,bisita1,bisita2: sigawan!!

nung ipakilala ako ng nanay ko sa kanila, agad akong niyakap ng babaeng bisita nia at eto ang sabi..

bisita1:uiii, anak kmsta kana?
ako: mabuti po!!
bisita1:anong plano mo dito sa states?mag aaral ka ba?
ako:opo, plano ko pong mag working student, kse po sabi ni mama, kailangan ko daw mag trabaho para mabayaran ko yung mga gastusing gagamitin ko habang nag aaral at nag tatrabaho ako.
bisita1:anong kurso kukunin mo?
ako:PT po..blah!blah!blah!

hanggang sa dumiretso na kme sa hapag kaninan..hindi ko naman kinakausap yung bisita2 pero bigla nia akong binanatan ng ganitong salita.

bisita2 na ubod ng yabang!!:probinsyano ka noh?
ako:(agad nag pinting yung tenga ko pero binalewala ko) ay hindi ho! laking maynila ho ako!!
bisita2 na ubod ng yabang!!:ah kala ko kse laking probinsya ka..

hindi ko alam kung anu motibo nitong buwakanang inang to,naisip ko nalang, eto ung mga tipo ng pilipino dito sa amerika na nakatapak lng ng US akala mo naman kung sinong mag aasta!!
tinapos ko agad yung kinakain ko, agad akong tumayo at nag kulong sa kwarto ko.
gigil na gigil ako sa mayabang na ungas na to, gusto kong bastusin o hamunin ng suntukan tong hinayupak na toh!!

siguro hindi lang ako sanay dahil iba ang environment na kinalakihan ko, dahil ako'y barumbado at aangas-angas sa muntinlupa..isa na sigurong dahilan kung bakit malakas ang loob ko.
Dahil lumaki ako sa tabi ng tatay ko at buong protekta ng mga kapatid kong puro lalaki..

bandang huli natawa nalang ako, inisip ko nalang ung itsura niang manyakis na bigotilyo,na kasing laki ko lang at mukhang pinalaglag na ng nanay niya ay kumapit pa siya nung kapanahunang pinagbubuntis siya..

ang sabi ng nanay ko 2 years palang daw sila dito, natawa naman ako, dahil islang-slang magsalita itong si kupal..haayz mga pilipino talaga..simula nun pag may bisita ang nanay ko
nag kukulong nalang ako sa kwarto at hindi nako nakisalamuha sa kanila...

Tuesday, March 24, 2009

Hacker kaba?

isang literal na gawain at isang pa aso-asong sagot para sa mga taong nag tatanong,
muli kong sasagutin ang mga nakaka buryong na tanong na iyan, dahil ako'y banas
na banas na at sa libo-libong chatter sa sa net world ang nag tatanong kung "hacker ka ba?"
unang-una ang pag hahack isang kademonyohan na gawain ng mga taong balaura gumamit ng internet,
pangalawa gngmt din ng ibang tao para ipagyabang na hacker o booter sila,
pangatlo pwede rin ntn sabihin na naglilibang ka lang at madaling gumawa ng panibagong account sa yahoo kapag nanghack ka..isipin mo rin kung yung taong yun ay karapatdapat na ihack
dahil minsan importante pa sa buhay nila ay yahoo mail nila o ang email add nila..
pwede kong sabhin na ang pag hahack ay isang bagay na pwede ko ihalintulad sa pagmumura.
alam mong masama at madaling gawin.pero minsan eto yung mga bagay na pag ginawa mo
alam mong makakabuti..isang beses pumasok ako sa isang yahoo chat room at dun ako umistambay ng tatlong oras, meron nag PM skn na nagngangalang "grace pujangko" nagkataon ininvite nia ako sa camera nia..pag silip ko isang batang babae na naka uniporme pa at kakauwi lang galing eskwela, tinanong ko siya, kung san siya nag aaral anong grado at san nakatira?
nasa cebu daw siya at pangkasalukuyang nasa grade 6..nainis ako dahil ang inisip ko sa edad niang yun at nasa chatroom at nagcacam ay hindi nakakabuti para sa kanya at sa pag aaral nia.
aminado akong pumasok sa isip ko na ihack ko ang batang iyon upang mapatalsik ko siya sa chatroom at mahirapan maka gawa ult ng bagong account dahil alam ko bagito pa siya sa mundo ng chat..tinanong ko siya alam ba ng magulang mo na mali yang ginagawa mo? sumagot siya..
patay na po ang tatay ko ksma ng kuya ko nalunod sila sa laot dahil mangingisda po sila dito sa cebu..nagulat ako!!tpos tinanong ko asan yung nanay mo?sabi nia, nasa manila po siya..siya ang ka chat ko ngayon dahil po matagal na kami nde nagkikita simula nung ipanganak niya ako..
halos mangiyak-ngiyak ako, naantig yung damdamin ko nung sbhn nia pa sakin na
"alam mo ba kung gano kasakit mawalay sa isang ina? at maiwan ng isang ama at kapatid?nag iisa nalang po ako ngayon ksma ng tita ko dito sa cebu.." nakakalungkot isipin na ung taong pinag isipan ko ng masama ay gabundok ang nararanasan na kalungkutan..
Dahil ako mismo nawalay sa ina ko ng sampung taon at alam ko kung gano kasakit yung nararamadan ng batang babaeng kausap ko..simula nung pangyayaring yun, sinabi ko sa kanya na pwede mo akong
tawaging kuya at kaibigan d2 sa chatroom natuwa naman ang bata at sabi nia "wag mo na akong aawayin kuya ah" sabi ko hindi na at simula ngayon ako pa mag tatanggol sayo..
natapos ang araw hanggan sa pag higa ko nasa icp ko yun.,at nasabi ko sa sarili ko na hindi ako HACKER at kung ano-ano pa man.. isa lng akong simpleng blogger dito sa networld..

Wednesday, March 11, 2009

Sapatos


Tanda!! sinisimbolo kung saan moko iniwan nand2 prn ako nakatayo at naghihintay sayo..habang buhay..

Pagbabalik

Muli akong nagbalik..pero this time malayo nako sa lahat..sinosolo ko ang lubos na kalungkutan sa buhay,Alam ko kakayanin ko to..Habang may mga nagmamahal sakin na siyang hinuhugutan ko ng lakas ng loob.Lalong-lano na ang nanay ko na sobrang taas ng pangarap sakin, Sisimulan ko ang kwento simula pa nung december 2008, un ang buwan kung san nilisan ko ang sarili kong bayan at kasabay nito ang pag talikod ko sa mga problemang naiwan ko.. lubos akong nalungkot halos araw-araw gigising ako ng umaga at tulala maghapon..buong araw, isa lng iniicp ko..

isang napakalaking pagsisisi na pangyayari sa buhay ko..at alam ko habang buhay ko tong dadalhin, hanggang ngaun pakiramdam ko sa tuwing naiicp kta ang bigat bigat ng loob ko..

umaasa parin ako at nangangarap na maibabalik ntn ang nakaraan.. =(