Minsan ba sa buhay nio naisip nio o naitanong sa sarili nio kung papano kayo mabubuhay kung wala na ang taong nagbibigay ng lakas sa inyo? di bat isa tong malaking kalokohan?tuwing uuwi ako galing eskwelahan lagi akong pumipwesto sa tabing bintana ng bus at ang pinaka paboritong kong parte ng aking paglalakbay ay ang SKYWAY, sa tuwing dadaan ang bus dun, lalayo nang husto ang tingin ko, dun ako mapapaisip ng kung anu-ano, pumasok lang sa isip ko ang mga nangyayari sa buhay ko, minsan naiisip ko binigay ba talaga sakin ng diyos ang tadhanang to? at sasagutin ng sarili ko, oo!dahil hindi naman ibibigay sayo ng diyos yan kung di mo kakayanin..Minsan ba naranasan niong maiwanan ng pinaka importanteng tao sa buhay nio? para sakin katumbas ito ng namatay na tao, at ang masakit pa dun brutal siyang pinatay, at NAPAKAHIRAP TANGGAPIN..at ang naiisip mong paraan ay walang iba kundi ALAK, dahil pansamantala mong nakakalimutan ang problema mo..OO pansamantala lang! kaya nga gabi-gabi ka umiinon eh, imbis na iiyak mo pag higa mo manhid kana at bukas ng umaga busy kana sa trabaho o eskwela..pero dadating parin ang moment na wala kang ginagawa o biglang papasok sa isip mo ung problemang ganun, wala kang ibang gagawin kundi tumunganga, malulungkot hanggang sa lumuha, dahil naiisip mo ung mga panahong mag kasama kayo nagbibigayan sa isat-isa
masayang nag uusap,nag haharutan, at lahat ng mga nagdaang malulungkot at masasayang araw na magkasama kayo..para sakin eto ang pinaka mahirap na parte ng buhay natin ang maiwan at masaktan ng emosyonal..
maraming tao na ang namatay dahil jan, bilib ako sa mga taong umaahon sa ganyang klase ng problema..hindi pabor sakin ang pagbibigay ng advice, pero gustong-gusto ko marinig ang mga komento nio..-kingkarot
sabado nights
7 years ago
No comments:
Post a Comment