Thursday, July 24, 2008

OBLIGASYON

pag sumasakay ba kayo sa mga pampublikong sakayan tulad ng BUS AT MRT obligasyon nio bang
tumayo pag nakakakita kau ng babae, bata o matandang nakatayo at walang maupuan?di ko alam kung
bakit hindi ko matiis ang sarili ko, tumatayo ako at nagbibigay ako ng upuan kahit banas nako sa mga
kamalasan sa buhay ko!Tulad knina, pauwi ako, samakay ako sa bandang crossing pa alabang muntinlupa,
relax na relax ako dahil wala akong katabi hanggang sa dumami ang pasahero pag dating sa ayala..
nakaalis ang bus na nakaupo ako sa kinauupuan ko, pag dating sa magallanes may isang matandang lalaki
cgro (60-70 y/o) tuloy-tuloy sa gitna, hanggang ma reach nia ung kinauupuan ko,tinitignan ko siya, naghahanap siya ng upuan pero wala na siyang makitang bakante at walang gustong mag offer ng upuan sa kanya, tinanaw ko ngayon ang harapan ng bus na malapit sa pintuan kung my nakaupo sa bandang hagdanan, nung makita kong wala, kinalabit ko agad siya at binigay ko ang upuan..kitang-kita ko sa mukha ng lalaking un ang bugtong hininga na parang pagod na pagod siya sa trabaho..lumipat ako sa harap ng bus sa may hagdanan, hiniram ko ung signs ng biyahe nila para
gawin kong upuan habang nakaupo sa hagdan ng bus..wala na kong ibang inasam kundi marating namin ang skyway, bago umakyat sa tulay ang sinasakyan kong bus, sabi ng driver bat daw dun ko pinili umupo samantalang meron palang upuan sa bandang kanan ko na natutupi..natawa ko sa sarili ko, napaka tanga ko at hindi ko nakita..ung na unfold ko na ung upuan napag tanto ko na un ang pinaka magandang upuan na naupuan ko sa buong dalawampung taon na nabubuhay ako dito sa mundo!!sakto naman mag isa lng ako sa harap tutok ung aircon tpos ang laki ng view ko nung dumaan kami sa skyway!!abot tenga ang ngiti ko, naisip ko..
hindi kaya nakakuha ako ng good karma nung nag magandang loob ako sa matanda..Kaya ko naman nagawang paupuin ung matanda dahil naisip ko rin ung tatay ko..sinubukan ko ilagay ung sarili ng tatay ko sa sitwasyon nung matanda..masakit para sakin kung walang mag ooffer ng upuan para sa kanya.. masakit mang isipin maniwala kayo sa hindi
karamihan sa mga pilipino hindi ganun ang ugali,karamihan nakikita na nila ung matanda ang sarap pa ng tulog
ng mga hinayupak!!nang makarating kami sa alabang tumayo ako dahil nakaharang ako sa mga bumababa na pasahero,habang hinihintay ko maubos ang mga dumadaan my kumalabit sakin, pag tingin ko ung matandang lalaki na pinaupo ko..nag pasalamat siya bago siya bumaba ng bus..ang saya ko,dahil gumaan ang pakiramdam ko kahit napakaliit na bagay nakatulong ako sa kapwa ko..sana mag silbing aral sa lahat itong blog na ito..
at bago ko tapusin toh gusto ko mag iwan nang isang mensahe..para sa inyo BURMA (Beautiful U R Me Also) eto pa PASAY (Pretty And Sexy Are You?) Eto matinde PARANAQUE (Please Always Remain Adorable Nice And Quiet Under Ecstasy...)sana mag tapos ang araw nio na masaya at malusog kayo..toodles!!

No comments:

Post a Comment