Sunday, July 27, 2008

Bahay Ni Besfriend

nagtapos ang sabado ko ng sumusuka!!lintik na alak yan nde maubos-ubos..di naman talaga ako dapat ppnta
sa bahay ng bestfriend ko, kaya lang nakakahiya din dahil minsan lang kami mag kita..7:00 pm sakto dumating ako,
di pa pala naccmulan ang inuman session ayun, Isa pa palang reason kung bakit nag inuman dahil pumasa daw ng board exam ang girlfriend nia..ang swerte..ayun nung naubos ang 3 grand matador nagpabili ng isang case ng redhorse,dun nagsimulang umikot ang paligid ko, hanggang sa nagpasya nakong tumayo dahil nasusuka nako!
badtrip!madalas naman ako nag iinum bkt nasusuka pako!!

Thursday, July 24, 2008

OBLIGASYON

pag sumasakay ba kayo sa mga pampublikong sakayan tulad ng BUS AT MRT obligasyon nio bang
tumayo pag nakakakita kau ng babae, bata o matandang nakatayo at walang maupuan?di ko alam kung
bakit hindi ko matiis ang sarili ko, tumatayo ako at nagbibigay ako ng upuan kahit banas nako sa mga
kamalasan sa buhay ko!Tulad knina, pauwi ako, samakay ako sa bandang crossing pa alabang muntinlupa,
relax na relax ako dahil wala akong katabi hanggang sa dumami ang pasahero pag dating sa ayala..
nakaalis ang bus na nakaupo ako sa kinauupuan ko, pag dating sa magallanes may isang matandang lalaki
cgro (60-70 y/o) tuloy-tuloy sa gitna, hanggang ma reach nia ung kinauupuan ko,tinitignan ko siya, naghahanap siya ng upuan pero wala na siyang makitang bakante at walang gustong mag offer ng upuan sa kanya, tinanaw ko ngayon ang harapan ng bus na malapit sa pintuan kung my nakaupo sa bandang hagdanan, nung makita kong wala, kinalabit ko agad siya at binigay ko ang upuan..kitang-kita ko sa mukha ng lalaking un ang bugtong hininga na parang pagod na pagod siya sa trabaho..lumipat ako sa harap ng bus sa may hagdanan, hiniram ko ung signs ng biyahe nila para
gawin kong upuan habang nakaupo sa hagdan ng bus..wala na kong ibang inasam kundi marating namin ang skyway, bago umakyat sa tulay ang sinasakyan kong bus, sabi ng driver bat daw dun ko pinili umupo samantalang meron palang upuan sa bandang kanan ko na natutupi..natawa ko sa sarili ko, napaka tanga ko at hindi ko nakita..ung na unfold ko na ung upuan napag tanto ko na un ang pinaka magandang upuan na naupuan ko sa buong dalawampung taon na nabubuhay ako dito sa mundo!!sakto naman mag isa lng ako sa harap tutok ung aircon tpos ang laki ng view ko nung dumaan kami sa skyway!!abot tenga ang ngiti ko, naisip ko..
hindi kaya nakakuha ako ng good karma nung nag magandang loob ako sa matanda..Kaya ko naman nagawang paupuin ung matanda dahil naisip ko rin ung tatay ko..sinubukan ko ilagay ung sarili ng tatay ko sa sitwasyon nung matanda..masakit para sakin kung walang mag ooffer ng upuan para sa kanya.. masakit mang isipin maniwala kayo sa hindi
karamihan sa mga pilipino hindi ganun ang ugali,karamihan nakikita na nila ung matanda ang sarap pa ng tulog
ng mga hinayupak!!nang makarating kami sa alabang tumayo ako dahil nakaharang ako sa mga bumababa na pasahero,habang hinihintay ko maubos ang mga dumadaan my kumalabit sakin, pag tingin ko ung matandang lalaki na pinaupo ko..nag pasalamat siya bago siya bumaba ng bus..ang saya ko,dahil gumaan ang pakiramdam ko kahit napakaliit na bagay nakatulong ako sa kapwa ko..sana mag silbing aral sa lahat itong blog na ito..
at bago ko tapusin toh gusto ko mag iwan nang isang mensahe..para sa inyo BURMA (Beautiful U R Me Also) eto pa PASAY (Pretty And Sexy Are You?) Eto matinde PARANAQUE (Please Always Remain Adorable Nice And Quiet Under Ecstasy...)sana mag tapos ang araw nio na masaya at malusog kayo..toodles!!

Saturday, July 19, 2008

ONEWAY

isang mahabang araw nanaman ang nagdaan,sisimulan ko ang kwento sa pagtatapos ng exam namin, nagkayayaang kumain sa isang nakakasawang mall sa balat ng lupa (starmall) pagkatapos nun videoke naman ang trip ng lahat, wala kaming ibang ginawa kundi mang okray ng mga kumakanta sa stage, pagkatapos nun nagkayayaan naman sa condo ng isang kaibigan (astoria)
para mag swimming, sablay nga lang dahil merong kinakasal sa nasabing lugar kaya nakakailang maligo sa swimming pool, lumipat kami sa isang condo naman ng isa ko ring kaibigan, (california)
doon naging stable ang lahat at malaya na nakapag swimming, wala akong ibang ginawa kundi mang hagis ng mga kasama kong babae sa swimming pool, kunwari patawa-tawa lang ako habang hinahagis ko sila, hindi nila alam na kaya ko sila hinahagis dahil gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nakakakita ako ng babaeng hinahagis sa swimming pool, dahil nakikita
ko ang mga mukha nila habang na ere sila na walang magawa kundi sumabay hanggang bumagsak sila sa tubig..natawa naman ako sa isa kong kasamang lalaki, dahil ginaya nia ako,
sinubukan niang ihagis ang isang babae, walang ibang nangyari kundi nakalmot ang pagmumukha nia!pagkatapos ng lahat nag desisyon naman silang uminom sa labas ng condo,
nakarating kami sa ortigas sa isang bar na tinawag nilang orange country 15th ave, ok naman ang lugar naka tatlo o apat na bote ako ng sanmig light, buti nalang my mga nag magandang loob na ihatid ako sa mismong bahay namin, ang masakit pa dun puro pa sila babae at babae rin ang nag dradrive sa sobrang hiya ko, nag salita na ko na ako na lang mag dradrive,sobrang nanibago ako sa kotse nitong babaeng toh ang akala ko manual, tinapakan ko ang preno ng todo sa pag aakalang clutch ito, kitang kita ko ang babaeng katabi ko na natutulog, muntik na mauntog sa harapan ng kotse,tapos pagdating ko ng alabang ang mga bwiset na MTMB ginawang one way ang ordinaryong daanan, ayun isang kahihiyan nanaman dahil ultimo lugar ko di ko alam kung one way o hindi, wala akong ibang ginawa kundi bumwelta sa pinasok kong oneway!-itutuloy

Thursday, July 17, 2008

Sabay sa Agos

Minsan ba sa buhay nio naisip nio o naitanong sa sarili nio kung papano kayo mabubuhay kung wala na ang taong nagbibigay ng lakas sa inyo? di bat isa tong malaking kalokohan?tuwing uuwi ako galing eskwelahan lagi akong pumipwesto sa tabing bintana ng bus at ang pinaka paboritong kong parte ng aking paglalakbay ay ang SKYWAY, sa tuwing dadaan ang bus dun, lalayo nang husto ang tingin ko, dun ako mapapaisip ng kung anu-ano, pumasok lang sa isip ko ang mga nangyayari sa buhay ko, minsan naiisip ko binigay ba talaga sakin ng diyos ang tadhanang to? at sasagutin ng sarili ko, oo!dahil hindi naman ibibigay sayo ng diyos yan kung di mo kakayanin..Minsan ba naranasan niong maiwanan ng pinaka importanteng tao sa buhay nio? para sakin katumbas ito ng namatay na tao, at ang masakit pa dun brutal siyang pinatay, at NAPAKAHIRAP TANGGAPIN..at ang naiisip mong paraan ay walang iba kundi ALAK, dahil pansamantala mong nakakalimutan ang problema mo..OO pansamantala lang! kaya nga gabi-gabi ka umiinon eh, imbis na iiyak mo pag higa mo manhid kana at bukas ng umaga busy kana sa trabaho o eskwela..pero dadating parin ang moment na wala kang ginagawa o biglang papasok sa isip mo ung problemang ganun, wala kang ibang gagawin kundi tumunganga, malulungkot hanggang sa lumuha, dahil naiisip mo ung mga panahong mag kasama kayo nagbibigayan sa isat-isa
masayang nag uusap,nag haharutan, at lahat ng mga nagdaang malulungkot at masasayang araw na magkasama kayo..para sakin eto ang pinaka mahirap na parte ng buhay natin ang maiwan at masaktan ng emosyonal..
maraming tao na ang namatay dahil jan, bilib ako sa mga taong umaahon sa ganyang klase ng problema..hindi pabor sakin ang pagbibigay ng advice, pero gustong-gusto ko marinig ang mga komento nio..-kingkarot

Pasasalamat

Gusto ko pasalamatan ang mga taong nagbigay ng inspiration sakin, Unang-una ang nanay ko,
sa mga allowance at pag papaaral mo sakin,pangalawa ang tatay ko, sa pagiging concern at pagtabi sa mga oras na ako'y pighati at punong-puno ng mga sama ng loob,pangatlo sa kapatid ko sa pag tulong sakin sa oras ng pangangailangan,sa isang kong kapatid salamat sa sapak mo ang saya-saya ko, sa mga kaibigan ko na nagsilbing haligi ko pra di ako matumba sa kalasingan,salamat kay bochot,popoy,peping,nardo,roberto,toto,narding,jobert,bruno,tyson, dahil hindi ko kayo kilala, Kay JON CABRON dahil sa idea na toh,sa mga kaawayko kasampalan kakopyahan kainuman kasuntukan LETS ROCK AND ROLL-

Tulalang araw

Wednesday, July 16, 2008

The Kingkarot Story

Welcome to the kingkarot story,just read my blog's for everyday living, maging sa coffee break,lunchbreak,dinnerbreak o sembreak,samahan nio ko sa makulay at maruming buhay..