sinend sakin ng isang kaibigan at isang napaka gandang consepto at kaaliw-aliw
na topic sa isang blog..
oo nga naman, di natin masisi ang mga sarili natin kung gugustuhin natin kumain nang sisig kaysa maumay at magtiis sa iisang lasa ng oatmeal.
ang kwento niya, meron siya dating gustong lalake. at kumbaga daw sa pagkain, itong si guy A ay isang sisig. alam na ngang masama sa puso, pero ito pa rin ang hinahabol-habol. then, may dumating naman sa buhay ng girl na un, si guy B. gustung-gusto ni guy B 'yung girl ayaw naman niya kay guy B. kumbaga raw ulit kasi sa pagkain, parang oatmeal si guy B. yes, healthy sa puso, pero sino nga ba naman ang taong takam na takam na lumantak ng quaker oats 'di ba?
marami sa atin ang nao-obsess about that sisig-person sa buhay natin. and'yan 'yung luluha ka, magda-drama, magpapaka-emo at kung anu-ano pang forms ng pagsisira ng buhay dahil hindi natin mahuli-huli 'yang last order ng sisig na 'yan.
'yang punyetang sisig na 'yan. kung tutuusin, sino bang nasa katinuan ang gustong kumain ng pinira-pirasong karne? tapos ise-serve sa'yo sa nakamamatay na hot plate? tapos lalagyan ng kalamansi, sili, toyo tapos minsan meron pang fresh egg?
ang sarap 'di ba? paking-shet!!
'yung taong wini-wish mo na sana ikaw lang sa mundo ang nakaka-appreciate pero wit, meron na palang ibang naka-discover. pero gan'un pa man, gustung-gusto mo ang kabalahuraan ng ugali niya. trip na trip mo ang pambabalewala niya sa'yo. kilig na kilig ka sa mga semi-pahapyaw na bagay na ginagawa niya na minsan kahit masakit na, napapapikit ka sabay sabing, "this is the way i want to die."
tapos, sasabihin sa'yo ni Waiter, "eto anak, maraming supply ng oatmeal. healthy 'to?" pero ayaw natin. kung anu-anong flaw ang nakikita. kesyo childish, hindi swak ang taste namin sa music, hindi magkaugnay ang fashion sensibilities namin, or sadyang chaka siya. pero kung iisipin naman, handa kang pagsilbihan nitong oatmeal-person na ito.
mas gugustuhin nating maging sisig-deprived habang buhay kesa mapurga sa oatmeal mula ulo hanggang paa. pero baket? baket, baket? baket kung anong masama, siyang masarap? baket kung anong mabuti, siyang boring?
kung ganito lang din ng ganito, may karapatan pa ba tayong manumbat sa taong nagdadamot sa atin ng sisig? may karapatan pa ba tayong magmalaki na isa tayong catch kung tayo rin pala, ipinagdaramot ang sarili sa taong gusto tayo?
mamili ka sisig o oatmeal =P
sabado nights
7 years ago
No comments:
Post a Comment